ano’ng zodiac mo?

HAHA.

12 Zodiac Signs

Ang kwela nung balitang nabago na ang mga zodiac signs. Well, hindi naman nabago per se, nadagdagan lang kaya naapektuhan ang nakararami. At ‘pag sinabi kong nakararami, ibig sabihin tayong mga Pinoy na bilib na bilib sa mga horoscope readings at kung anu-anong predictions at superstitious beliefs na hindi malinaw kung saan nagmula.

Malakas ang impact nito sa mga Pinoy dahil saklaw ng horoscope readings ang mga kinababaliwan nating aspeto sa buhay gaya ng swerte sa pera, pagnenegosyo, love life, love life at love life.

Isipin mo na lang ang frustration na madarama mo kung sa pagbasa mo nang paborito mong news source (read: tabloid) makikita mo na  maganda ang vibes ng iyong buhay pag-ibig sa araw na ‘yon tapos after mo kiligin for 5 minutes marerealize mo na hindi na nga pala iyon ang zodiac sign mo. O kaya naman, upon knowing your lucky numbers, tumaya ka sa lotto and then ma-realize mo na mali nanaman yung tinignan mong sign. At dahil sa sobrang pagiging dependent mo sa mga horoscope readings na yan, bumili ka ng shirt na nasa lucky color mo. Syempre mamalasin ka kasi mali nanaman ang natignan mong sign.

Ophiuchus

Singit pa kasi yung Ophiuchus na yan. (Hirap pa ng spelling at nakakaubos pa ng hangin pag sinabi)

Poproblemahin pa tuloy ng mga morning shows kung paano ang magandang division ng pag-ere ng mga horoscope readings kada commercial gaps (3-3-3-4? 4-3-3-3? 4-4-5? 5-4-4? 4-5-4?).

Magkakagulo pa ‘yan kung ano ang magiging official na tawag sa mga taong ipinanganak under the sign of Ophiuchus. (Ophiuchusans? Ophiuchusians? 0ph!uchuserzz? Ophiuchuseras?)

Malilito din ang ilanh sa spelling at pronunciation dahil sa iba-ibang paraan ng pagbitiw ng mga broadcaster sa AM radio. (‘F’ ba o ‘P’? May ‘H’ o wala? Double ‘C’ o single ‘C’ with ‘H’?)

PAANO NA ‘YUNG MGA MAY TATTOO NG ZODIAC SIGNS NILA?!

___

Although hindi naman talaga malaking issue yang 13th zodiac sign na ‘yan, marami pa din sa atin ang “apektadong-apektado”.

Wala namang kaso kung susunod ka sa bagong division ng astrolgical signs na ‘yan o hindi. Malaking issue kung hindi mo babaguhin ang subscription mo sa Daily Horoscope sa Facebook (JK). Mas malaking issue kung meron na bang Ophiuchus dun sa application na ‘yun (LOLJK).

Kidding aside, mas malaking issue kung naniniwala ka ba  hindi sa mga bagay na katulad ng mga Zodiac signs at horoscope readings. O kung gaano at paano ka naniniwala sa mga bagay na ganito.

PS. Sa horoscope readings lang nito ako naniniwala nang lubusan.

I’m blogging, and so are you

Hey! So this is my first legit blog post and you are very lucky that you are reading this (jk). You see, I have given writing a try through other platforms like Multiply and Facebook and of course the old-school (but my favorite) pen and paper but decided to do it on a blog site just now.

The stuff I wrote on Multiply are basically accounts of what’s happening to me and are mostly written while I’m riding jeepneys, while those on Facebook are… I don’t know… random stuff, pretty much what you should expect from me.

I know there are gazillion of blogs out there talking about show business, fashion, technology, pop culture, love, heart breaks, sleazy stuff and more sleazy stuff. I, on the other hand, will blog about anything.

I don’t know.

I don’t know what am I going to post here.

I don’t even know what this post is about.

Maybe I’ll post who the next FHM cover girl is.

Maybe I’ll post about how awful local tv dramas are.

Maybe I’ll post videos I like.

Maybe I’ll post about my life and the things that run inside my head while I’m downloading.

Maybe I’ll post stuff I hear from the local news or the FM radio stations.

Maybe I’ll post about memes on Facebook and Twitter.

MAYBE I’ll post stuff I see on other blogs.

JK. No to plagiarism.

Just keep on visiting.

PS. It’s strange how some blogs get a lot of hits even if their posts lack… nvm. Just read my blog.