‘Lumayo ka nga sa TV’ REVIEW: Bob Ong’s Lumayo ka nga sa Akin

Itong ika-siyam na libro ni Bob Ong ay kulay pink.

Green

Yellow

Black

Orange

White

Red

Silver

Violet

Tapos itong pink.

Wala lang. Gusto ko lang banggitin yung mga kulay, bakit ba?

Base sa pabalat (naks!) nitong libro, at kung ikukumpara natin ito sa mga pabalat ng mga naunang akda ni Bob Ong, masasabi kong ito na yata ang pinakamahalay. Pero yung tipo ng halay na tolerable naman. Yung may nagkakagatan lang ng labi habang basa ng pawis tipo ng halay. (Isipin mo kung ito yung naging kulay ube na libro. Isipin mong maigi. Tapos mahalay ‘yung imahe sa cover. Ube. Halay. Patawarin nyo ako.)

Ok ‘tong librong ‘to. Binili ko ‘to nito lang 27, ilang linggo lang makaraan ang release. Binili ko ‘to na wala akong masyadong idea kung tungkol saan ba talaga itong ‘Lumayo ka nga sa Akin’. Hindi tulad nung kay Mama Susan na may naglipana nang book reviews na readily available na bago ko pa man din mabili yung libro. Ang alam ko lang telenobela-ish itong LknsA base sa teasers na ipinost ni BobOng sa internet. At kung babalikan nga natin iyong pabalat ng libro – may puso, may naglalaplapan naghahalikan, pink- ano pa nga ba ang maiisip mong nilalaman ng libro na ‘to? Hindi, hindi ito ‘Passionate Kissing 101’.

Nahahati itong libro sa tatlong unequal parts. Bale tatlong istorya ito na magkakaiba pero napagbuklod ng isang mind boggling na ending.

Syempre nakasulat itong aklat sa panibago at kakaibang paraan. Yung nakaraang akda ni BO ay nailahad sa atin via Galo’s journal entries. Eto naman parang script. Hindi yung script na typeface, ha? Yung script a la movie script. Hindi pala ‘a la’ dahil movie script talaga yung structure nung istorya.

___________________________

 Yung unang bahagi, entitled ‘Bala sa Bala, Kamao sa Kamao, Satsat sa Satsat’, ay isang maaksyong akda base sa pilosopiya ng Code of Hammurabi. Tungkol naman sa pag-alog at sa mga hatid nitong katatakutan yung ‘Shake, Shaker, Shakest’. Ang huling bahagi namang may pamagat na ‘Asawa ni Marie’ ay tungkol sa Greek god na si Poseidon, puno ng bayabas at sa isang diary. Ganyan yata yun. Basta, bumili na lang kayo para sure tayo.

Ulit.

Isang action movie yung una. Tapos yung pamilya nung bida pinatay ng mga bad guys nung kasal nya. Tapos nun may artistang babaeng self-righteous. May mga sidekick yung bida. Nandun din si Ron-Ron. At yung mga goons sa abandonadong warehouse. May whorehouse din na itatago natin sa tawag na beer garden. May cameo din si Dora.

Masyado nang marami yang spoilers ko. ‘Yan na yung key elements nung istorya. Makukuha nyo na yung flow ng movie nyan. You’re welcome.

___________________________

 Part Two.

Title:Shake, Shaker, Shakest

Genre: Suspense, Horror, Gore

Running Time: 30 minutes, more or less

Cast: Mang Carlos, Aling Cora, Mar, Aby, Samuel, Pundit, Samuel na Possessed

Summary: May stranded na pamilya. Tumuloy sila sa puting mansion permanently. Maraming agiw yung bahay. Tapos sinabi ni Pundit na meron silang sinumpang bagay. Tapos matutuyo na yung suka sa damit ni Samuel. Reality show star si Aby. Platinum recording artist si Mar. May ari ng bookstore sila Aling Cora at Mang Carlos. May sumpa.

___________________________

 Ang ikatlong bahagi naman ng aklat ay umiikot sa istorya ng pag-ibig, panlilinlang, kapusukan, kahirapan, kasakiman, pantasya at Botany. Dito matutunghayan natin ang masalimuot na buhay ni Marie na iibig nang tunay na sya namang tututhulan ng pagkakataon. Samahan natin si Marie sa bawat nyang pangarap, ngiti, luha, pagtibok ng puso, pagbabagong anyo, paghihilamos ng putik, pakikipagniig sa ibabaw ng iba’t ibang puno, pagtataksil at paghahanap ng kabiyak na willing wag mag-suot ng panty.

Abangan nyo na lang sa primetime.

___________________________

 Sobrang loaded nitong librong ito. Kailangan maging malawak ang isipan mo para naman maintindihan mo nang buong-buo iyong ipininapahatid ng LknsA.

Satirical yung tone nitong libro. Bale dinali ni Bob Ong dito yung dynamics ng generation ngayon, mass media to be specific.  Be it the movies, television, music, books, online behavior, lahat yan covered dito.

Ok na ok sa akin ‘to dahil napapansin ko na nitong mga nakaraang taon, bumababa yung quality ng mga pumapatok na bagay-bagay dito sa Pilipinas. Lalo na sa pelikula at telebisyon. Kung iisipin nga, base sa mga ihinahain sa atin ng mga producers na yan, parang ayaw na nila masyadong pag-isipin ‘yung mga audience nila.

Take for example itong Metro Manila Film Festival. During the past few years puro sequel, remake o rehash ang mga nagiging prominent entries sa box office. Kung meron mang mangilan-ngilang promising o bagong timplang pelikula ang sumasali, nagkakaroon ng nitpicking sa judging at hindi talaga malakas sa takilya yung mga pelikulang ‘bago’. May mali talaga. Mas sinusugalan na ng mga producer yung mga may ‘tried and tested formula’. Walang masyadong risks. Naikakahon na yung mga artista, pati mga viewers. Kung sabagay, mahal talaga ang mag-produce at nakakawasak naman kung hindi magbabalik ng pera yung investment mo. At mahirap magbenta ng bagong produkto sa mga consumer na may nakasanayan na.

Hindi ako mahilig manuod ng sine. Pero alam ko kung ano yung mga pumapatok. Madalas kagatin ng tao yung makakapagpatawa sa kanila o kaya yung makakapagpakilig. Hindi na mahalaga yung sustansya, yung storya. Hindi na bale kung walang kwenta umarte yung mga artista, basta mataas ang face value at may maipapakitang kung anu-ano.

Tama yung mga sidekick ni Diego sa part 1. Kailangan slapstick lagi, kailangan big time sa visuals. Yun kasi ang hanap ng mga tao. Kung akala mo sa mga pelikula lang ni Dolphy pumapatok yung mga slapstick skits na ganun, hindi kaya. Hindi uubra yung subtle attacks at witty quips na yan. Well, pwede siguro basta may scoring na kasabay na maghuhudyat na kailangan mo nang matawa.

Sa mga love story naman dito sa Pinas, panandaliang kilig lang. Lahat feel-good. Lahat bright and sunshiny. Hindi naman totoo yun. Well, hindi naman talaga totoo ang mga pelikula. Pero basta, masyadong idealistic.

Sa mga horror naman, hay nako. Napanood nyo ba yung pelikulang ‘White House’ ng Regal? Ganoon, nakakagawa ng ganoong kasaklap na horror movie. Walang character build-up, walang malinaw na plot, masaklap na casting and all that jazz. Nakadepende din sa scoring at visuals yung mga pananakot (na kung mamalasin pa, lalabas na katawa-tawa).

Napapanahon din yung mga resentment ni Bob Ong sa dynamics ng television ngayon. Malaki naman talaga ang nagiging epekto ng TV sa lifestyle ng mga tao, lalo na ng mga bata. Tulad din ng sa pelikula, may mga ‘tried and tested’ formulated shows ang mga pumapatok. May ibang magsasabi na may mga ‘bagong’ TV shows ngayon, but if you look at the bigger picture TV shows nowadays are either based on the plot of something else or a remake of this and a rehash of that. Hindi talagang maangkin na original.

Hindi mo rin naman masisisi yung mga gumagawa ng mga shows na ito kasi nga, business pa din ‘yun. Pera pa din. Tignan mo yung mga artista sa TV ngayon, masyado na silang marami pero hindi naman directly proportional sa bilang nila yung talentong naiko-contribute nila sa industriya. Konti lang ang sumisikat, at very volatile lang ang fame. Lahat kasi idinaaan sa face value. Na sya namang basehan ng pagtangkilik ng masa, na sya namang bumibili ng mga ginagawa ng mga producer, na tiyak namang kulang sa sustansya.

Hindi na din maingat ang media sa paglalabas ng sexually-charged visuals na very accessible sa mga bata, matanda, may malawak man na isipan o wala. Kaya masyadong bumibilis ang development ng kabataan ngayon e. Masyadong mapusok ang sense ng kagandahan na ipinapahatid ng media.

Madalas ding nabanggit sa libro yung short-attention span ng mga tao ngayon. Sa sobrang bilis ng information influx sa panahon ngayon, marami tayong input na nakukuha pero iilan lang yung talagang napoproseso natin. Lahat tayo maraming alam, pero hindi malalim na kaalaaman ang meron tayo. Jack of all trades, master of none. Kulang sa sustansya.

___________________________

 

Sobrang na-entertain ako sa libro na ito, marahil dahil matagal na ding naglalaro sa isip ko yung mgs kabulukan ng media. Pero hindi ko talaga alam kung yun talaga ang dahilan. Basta naka-relate ako sa librong ito.

Nakakahanga yung bagong paraan ng pagsulat ni Bob Ong sa librong ito. Nakakabilib. Ater nung ika-limang libro nya, masasabi ko na namiss ko yung fast-paced form ng mga libro ni Bob Ong. Yung cohesive pero walang solid na plot. A la green at yellow book. Pero magaganda din ‘tong mga nobela-ish books nya. Sabi ko nga, same soul, different body.

Nakakatawa itong ‘Lumayo ka nga sa Akin’. Sa tingin ko pantay lang yung ganda nito at nung ‘Mama Susan’. Magkaiba sila pero pantay yung pagkaaliw ko dito sa mga librong ito. Kung may pagka-ignorante ka sa mga kabuktutan (naks!) ng mga pelikula at tv dito sa Pilipinas, kailangan dagdagan mo pa ng konti yung lawak ng isip. Pero sa tingin ko naman aliw pa din kahit anong mangyari.

___________________________

PS. Maganda sigurong i-adapt to sa entablado. O kaya sa pelikula na. Eye-opener lang (o kaya isang malutong na sampal) para sa mga gumagawa ng mga bagay na pang-aliw sa pamamagitan ng media.  Sana malaman ng mga producer na humahanap din tayo ng sustansya mula sa mga produktong pinagkakakitaan nila. Although hindi naman masama yung ginagawa nila dahil wala namang naaagrabyado maliban dun sa mga higit na talentadong mga akda na nananankawan ng pagkakataon, sana lang i-consider din nila yung laman ng ginagawa nila. Sana din maging mas mapanuri din tayong mga tumatangkilik, in general. Hindi naman dapat maging sobrang mapili, tamang mapanuri lang

REVIEW: Ang mga Kaibigan ni Mama Susan, Bob Ong

Tuesday, May 17, 2011

Nito ko lang nabili ang 8th book ni Bob Ong. Actually nakalimutan ko nganghindi ko pa nababsa ‘tong librong ‘to, eh. Naisipan ko lang dumaan sa NBS para humanap ng librong bibilhin at noon ko lang naalala na wala pa nga pala akong kopya ng Ang mga Kaibigan ni Mama Susan. Na-excite nga ako nung nakita ko.

Binili ko. Kasabay ng The Lost Symbol ni Dan Brown. Hindi ko mapigilan na bilhin ng sabay kasi matagal-tagal na din akong hindi nakakabasa ng bagong libro. Tutal may budget naman, hindi na akong nanghinayang gumastos para naman may iba akong mapaglilibangan aside from reading (and re-reading) my magazines. Plus ibang kaligayahan ang hatid ng novels compared sa ligayang hatid ng FHM.

Wednesday, May 18,2011

Ang init. Summer pa naman kahit na may mga panaka-nakang (naks!) na pag-ulan.

Wala naman akong masyadong ginawa maliban sa routinary na pagluluto ko ng breakfast/lunch food.

Naligo.

Matutulog sana ako kaso naalala ko na may mga pwede pala akong pagkaabalahan maliban sa pag-check sa Twitter at Facebook gamit ang cellphone ko na ilang buwan na ding walang load.

Inuna ko muna yung FHM May 2011. Thumbs down.

Tapos ayun na. Binuksan ko na yung Ang mga Kaibigan ni Mama Susan…….

_____

This book by Bob Ong is a good one. It’s good because it’s different from Ong’s previous books in terms of structure and story-telling. It’s good because despite of it being different, Bob Ong still managed to incorporate his unique and very distinguished ‘touch’. Different body, same soul.

It is said that part of the book was from the real journal of the real Galo. And yes, this is a GOOD suspense-horror book.

I have always admired Bob Ong books. I started reading his work when I was in second year high school. He was my hero then. I even wanted to be Bob Ong when I grow up. I was a big fan before everyone started picking-up his books. Then came those misquoted Bob Ong quotes which made me ask myself if I missed any BO books because I don’t  remember reading some of the Bob Ong quotes doing the rounds on the internet and the SMS world. (It turned out that people are making up quotes.)

I loved Bob Ong’s books because they are very easy to relate to. I’m guilty of shedding a tear or two when reading his books despite  he pokes on very easy-to-relate-to story he writes.

‘Ang mga Kaibigan ni Mama Susan’ is actually a story based on journal entries by a 16-year old student, Galo. He chronicled his struggles as a student, as a lover, as a teenager trying to fit-in a family that is not really his, as a grandson and as a man trying to save his sanity. This book tags us along Galo’s journey from the noisy streets of Manila to the quiet but mysterious community of his grand mother’s rural home.

Galo escaped the cruelty of his life in the city by staying with his sick grandmother only to be haunted by the ghosts of his past.

_____

Mabilis akong naka-relate sa kwento ni Galo dahil may mag pinagdaanan siya na malapit sa akin. Muntikan pa nga ko maiyak dun sa entry nya nung sinabi nya na “ang bata bata ko pa, ganito na mga problema ko” (or something like that.)

May problema sya sa pag-aaral, may problema sya sa lovelife, may mga problema sya sa pera, may mga problema sya sa pamila. Madali maka-relate sa kwento ni Galo dahil at some point, napag daanan naman siguro ng lahat nang mga iyan. Hindi man sabay-sabay, makaka-relate at makak-relate pa din.

Hindi ito ang typical na horror-suspense novel. Actually, hindi nga ito typical na Bob Ong.

Easy read ang istorya ni Galo sa Maynila- may kontrabida, may support, may extra at may leading lady/ladies. Hindi mo iisiping horror ang binabasa mo.

Pero pumasok ang pagka-horror nung bumalik si Galo sa probinsya ng lola nya. Mula sa mga weirdong imahe hanggang sa weirdong ayos ng bahay ng lola nya.

Kailangang malawak ang imahinasyon mo para marambaman mo si Galo at ang mga nararamdaman nya. Kung gagawin kasing pelikula ‘tong librong ‘to, hindi sya magiging typical na Pinoy horror na mananakot na lang basta may pagkakataon. May build-up ang bawat character sa istoryang ito. Ipinakilala ni Bob Ong ang mga character at ginawa nya munang kampante ang mga mambabasa na kilala na nila ang mga tauhan sa kwento. Eventually, inilabas  niya dark side ng mga character. Plus magiging kakaiba ito kung gagawing pelikula kasi hip-hop ang soundtrack. Frustrated rapper lang naman si Galo.

Palibhasa nasanay ang ilan sa ‘slapstick’ na horror kaya nanibago ang iba (base sa ilang reader reviews na nabasa ko) sa horror story na ito.

_____

Beneath the witty, funny and the scary parts of ‘Ang mga Kaibigan ni Mama Susan’ are the real-life undertones of the story of Galo.

First, the importance of a family in the character building of a person.

Galo grew up as an angsty child. He was ‘handed down’ from one relative to another because his Biological parents were not there for him. Add to that the feeling of being unwanted given by his current foster family.

Teenagers nowadays are afraid of vulnerability.

Galo taught himself to be callous just to save himself from explaining how he feels. He doesn’t want to be misunderstood further. He kept his angst to himself via his journal. He doesn’t want t come off weak especially in front of his foster family.

Teenagers nowadays don’t bother to explain their feelings anymore because they don’t want to be misunderstood.

Sex is still an issue we opt not to talk about in large groups.

Galo and his friends even started laughing when the priest preached about sex during a Mass in their school.

Not all Filipinos are open to the idea of talking about sex in the open. Some still think of sex as something untouchable when in fact, premarital sex and sex outside relationships are very prominent nowadays.

Religion has become something optional to some.

Religion is actually the turning point of Galo’s story. He and the kids who became his company were trapped in an unending quest to know the reason behind the weird rituals Mama Susan and her group perform.

Unlike sex, religion is something our country is known to be very fond of. But the sad truth is that majority practice sex more than their respective religions.

When the reality gets too cruel, we try hide it from ourselves.

Galo’s journal has become our means of knowing the truth about his life, but it turns out that he is hiding some truths from himself. It was until later in the story that Galo’s wrong deeds were revealed- things he never wrote on his journal as he did it. Things that he was running away from.

Some of us are afraid of the ghosts we create. Not everybody is confrontational when it comes to the ugly truth. We see what we wanna see and hear what we wanna hear, so we can say that we’re happy.

Huwag mong bibigkasin ang hindi…

mo naiintindihan(?)

I assume this line from the start of the story is just Bob Ong’s way of telling us that we should not go into talking about things we don’t fully understand for doing so may lead to problems.

(It kinda beats the purpose of me, writing this whole thing.)

_____

Wow! Ang dami kong nasabi tungkol sa librong ‘to. Teka. . . parang hindi naman galing sa akin ‘yung iba dito ah. Biro lang. Hindi ako nag-plagiarize nang sinuman.

Hindi ko nga pala i-trinanslate yung mga Latin phrases or paragraphs. Sakit lang sa ulo. Ipinagpalagay ko na lang na Latin phrases or paragraphs sila.

‘Yung mga imahe nga pala ay hindi akin. Nakuha ko ang mga iyan sa Google, na kinuha naman ang mga iyan sa kanilang respective owners. No copyright infringement intended whatsoever, peram na lang ng images. Pretty pleasee? (May ugly please ba? Kung meron, yun na lang. KTHXBYE)

5 out of 5 sa akin ang librong ito. I find to be less boring compared to Ong’s 7th book. Maybe it’s the story telling that sets this book apart from BO’s previous fictions. Plus na-touch nga ako dun sa kwento ni Galo sa Maynila.

_____

Thursday, May 19, 2011